DZXL Radyo Trabaho, tatanggap muli ng parangal

Tatanggap ng Plaque of Appreciation ngayong araw ang DZXL 558 Radyo Trabaho – RMN Manila mula sa City government ng Mandaluyong.

Ang nasabing pagkilala ay pasasalamat ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong sa ibinibigay na suporta ng DZXL Radyo Trabaho sa kanilang mga proyekto at programa gayundin ang pagpapakalat ng kaalaman sa mga serbisyong hatid ng lokal na pamahalaan.

Mismong ang Station Manager ng DZXL 558 Radyo Trabaho na si Buddy Oberas ang tatanggap ng parangal at Lou Panganiban na siyang kakatawan sa Radyo Trabaho team.


Isasagawa ang awarding ceremony ngayong umaga sa Atrium Executive Building Mandaluyong City Hall Complex.

Samantala, kamakailan ay tumanggap din ng Special Award mula sa Department of Labor and Employment ang programang Usapang Trabaho nina Rod Marcelino at Ramcy Tirona.

Ibinigay ang parangal kasabay ng 86th Founding Anniversary ng DOLE.

Ang Usapang Trabaho program na napapakinggan tuwing alas-11:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali ay katuwang ng DOLE sa pagbibigay ng impormasyon sa taong-bayan tungkol sa kanilang mga programa para sa ating mga kababayan.

Maraming salamat po sa pagkilala at pagtitiwala sa DZXL 558 Radyo Trabaho.

Asahan po ninyong lalo pa naming pagbubutihan ang paghahatid ng serbisyo publiko sa taong-bayan.

Facebook Comments