EARLY WARNING SYSTEM SA LA UNION, PINATUNOG KASABAY NG NATIONAL SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL

Pinatunog ang provincial siren o early warning system sa La Union kahapon kasabay ng pakikiisa sa 2nd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill ngayong taon.

Nakiisa rin sa aktibidad ang mga pampublikong opisina at mga lokal na pamahalaan sa lahat ng bayan upang mapalakas pa ang kahandaan at maiangat ang kaalaman sa mga dapat gawin tuwing lindol tulad ng ‘Duck.Cover.Hold’ position.

Bukod dito, nagsagawa rin ng simulation activity ang ilang law at health enforcement agencies na magsisilbing frontliner sa pagresponde sa mga sakuna.

Sa huli, tiniyak ng mga ahensya ang kahandaan sa lindol at iba pang kalamidad sa patuloy na pakikiisa sa mga stimulation drills at pagpapaigting ng information and education campaign sa mga komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments