NBA | Kevin Durant, hindi makakapaglaro ng 2 linggo

50

NBA – Patuloy pa rin ang kamalasan ng defending champion Golden State
Warriors kung injury ang pag-uusapan.

Paano naman kasi pati si Kevin Durant ay wala na muna sa line-up ng
Warriors.

Napag-alaman kasi na may injury si Durant sa kaniyang tadyang at kailangan
nitong magpahinga ng dalawang Linggo.

Dahil dito nasa injury list na ang big three ng Golden State. Nauna na sa
sick bay sina Stephen Curry at Klay Thompson.

Sa susunod na linggo pa inaasahang makakapaglaro sina Curry na
nagpapagaling sa kaniyang sprained ankle habang si Thompson naman ay nawala
sa line-up dahil sa pilay sa kaniyang daliri.

Facebook Comments