East Avenue Medical Center, humingi pa ng dagdag na Sinovac vaccine

Nadagdagan pa ang mga health worker sa East Avenue Medical Center (EAMC) sa Quezon City na nais maturukan ng Sinovac vaccine.

Dahil dito, humingi na ng dagdag na dosage ng Sinovac vaccine ang EAMC.

Ayon kay Dr. Dennis Ordoña, Spokesperson ng naturang ospital, base sa kanilang listahan, 100 lamang ang unang nagparehistro para magpabakuna kahapon mula sa 1,200 na mga empleyado nito.


Ngunit nagulat sila ng malamang ang 175 pa nilang empleyado ay nais na ring magpabakuna ng Sinovac vaccine.

Ikinatuwa naman ito ni Dr. Ordoña kasabay ng apela sa Department of Health (DOH) na dadagdagan ang naunang dosage na ibinigay sa kanila.

Una nang nabigyan ng 300 dosage ng Sinovac vaccine ang EAMC noong Martes kung saan unang nabakunahan ang Medical Chief na si Dr. Alfonso Nuñez at Head Nurse na si Rose Marie Reyes.

Facebook Comments