Hog deliveries sa Metro Manila mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, mahigit 115,000 na ayon sa DA

43

Umabot na 115,909 na buhay na baboy at 721,354 kilos ng carcass o kinatay na baboy ang nai-deliver na sa Metro Manila mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Kasunod ito ng agresibong pag-facilitate ng Department of Agriculture (DA) sa pagdadala ng suplay mula sa African Swine Fever (ASF)-free areas patungong Metro Manila para matugunan ang kakulangan at mataas na presyo.


Pinakamaraming suplay na ipinadala sa National Capital Region (NCR) ay mula sa Calabarzon na sinundan ng Western Visayas, MIMAROPA, SOCCSKSARGEN, Central Luzon at Bicol Region.

Nakapagpadala rin ang Zamboanga Peninsula, Central Visayas, Northern Mindanao, Cagayan Valley at Ilocos Region.

Pinakamarami namang carcass na ipinadala sa NCR ang Central Luzon na sinundan ng Bicol Region.

Facebook Comments