Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang Eastern Samar ala-1:37 kahapon.
Sa datos ng PHIVOLCS, naitala ang epicenter ng lindol sa layong 9 kilometers hilagang-kanluran ng San Julian, Eastern Samar.
May lalim itong 63 kilometers at tectonic ang origin.
Naramdaman ang Intensity 6 sa San Julian, Eastern Samar; Intensity 5 sa Tacloban City; Catbalogan City, Samar; General Mc Arthur, Salcedo at Guiuan, Eastern Samar; Naval, Biliran; Catarman, Northern Samar at sa Palo at Pastrana sa Letye.
Naitala naman ang Intensity 4 sa Abuyog, Hilongos, Javier, Capoocan, Julieta, Baybay, Barogo, Jaro, Macarthur, Matalum at Villaba, Leyte; San Francisco, Southern Leyte; Bislig City, Surigaop del Sur; Iloilo City; Naga, Sorsogon at Panganiban, Catanduanes.
Habang Intensity 3 sa Binalbagan, Negros Occidental; Cabalian, Southern Leyte; Dimasalang, Masbate; Butuan City at Cabadbaran City at Intensity 2 sa Bago City at Bacolod City.