Ebola outbreak, idineklara na sa Guinea sa Western Africa

Opisyal nang idineklara ang ebola outbreak sa Guinea, isang bansa sa Western Africa.

Ito ay matapos masawi ang tatlong indibidwal mula sa virus habang apat na katao naman ang patuloy na nakakaranas ng diarrhea, vomiting at bleeding.

Kasunod nito, tiniyak ni World Health Organization (WHO) Representative in Guinea Alfred George Ki-Zerbo na nakahanda na sila sa posibleng pagdami ng kaso sa nasabing bansa.


Nakipag-ugnayan na rin ang organisasyon sa manufacturer ng bakuna kontra ebola upang sigurong mabilis ang magiging proseso sa paglabas at pamamahagi ng bakuna.

Facebook Comments