Echagueños na Lalabag sa Health Protocols, Papanagutin sa Batas

Cauayan City, Isabela- Pananagutin ang sinuman na hindi sumunod sa ipinapatupad na batas sa kabila ng pagtitiyak sa kaligtasan ng publiko para maiwasan ang pagkalat ng corona virus disease.

Ayon kay Municipal Mayor Francis ‘Kiko’ Dy’, sisiguruhin niya na may legal action na gagawin ang mapapatunayang may paglabag sa batas habang umiiral ang mahigpit na panuntunan sa health protocols para labanan ang virus.

Aniya, paraan ito para hindi magawa ng iba ang nangyaring pagsakay ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa isang trucking essentials para makaiwas sa ipinapatupad na checkpoint.


Samantala, inaasahan ang paglabas ng resulta ng swab test ng natitira pang walong (8) nakasalamuha ng nagpositibong pasyente sa Bayan ng Echague.

Sabi ni Dy, kinakailangan na maisailalim ang mga uuwing OFW sa probinsya bilang pag-iingat na rin at makatiyak na negatibo sa virus ang mga ito.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na hindi na kakailanganin pa ang pagsasailalim sa swab test ng mga uuwing OFW kundi isailalim agad sa strict home quarantine.

Facebook Comments