Nagpaabot ng ilang eco-tips para sa mga makikilahok sa paparating na Traslacion ang environmental watchdog group na Ecowaste Coalition.
Ayon sa grupo, dapat ay iwasan o hindi naman kaya ay bawasan ng mga deboto ng Poong Itim na Nazareno ang pagtapon ng mga basura sa isasagawang Traslacion ngayong taon.
“Kalakip ng Debosyon ang Malinis na Translacion” para sa malinis at walang kalat na selebrasyon pagsapit ng Martes, January 9.
Hinihikayat ng mga mag-oorganisa na iwasan ang paggamit ng mga disposable na plastic at plastic tarpaulins maging ang paggamit ng single-use plastics at kung maaari ay gumamit ng reusable containers para sa pagkain at inumin.
Samantala, hinimok din ng Ecowaste coalition ang mga lider ng barangay na paalalahanan ang mga residente at bisita nito para sa responsableng selebrasyon.