MGA ROAD PROJECTS SA DAGUPAN CITY, TINIYAK NA MATATAPOS NA SA ITINAKDANG PETSA

Tiniyak ng mga kawani mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagtatapos sa itinakdang petsa ng mga road constructions sa Dagupan City na alinsunod pa rin sa nakitang isa sa solusyon upang maibsan ang pagbaha sa lungsod.
Ayon sa naging unang pagpupulong ng LGU Dagupan at ng ahensya, sa kanilang target completion date, sa March 15 matatapos ang bahagi ng AB Fernandez Ave., March 30 naman sa Arellano St., at April 15 naman sa MH Del Pilar St.
Hiling naman ni Mayor Fernandez ang pakikiisa ng mga Dagupeños upang mas maging maayos ang hakbangin sa pagtatapos ng mga proyekto.
Samantala, hiling din ng publiko na matapos na ang road projects upang maging magaan na raw muli ang daloy ng trapiko sa Dagupan City. | ifmnews
Facebook Comments