4 na high ranking leaders ng terrorist groups sa CDO, sumuko sa mga awtoridad

159

Sumuko sa mga awtoridad ang 4 na high-ranking communist terrorist group leaders at 14 na miyembro nito.

Kabilang sa mga lider na sumuko ay sina Sarwin Ellonor Villamor at asawang si Jesel Bato Salahay kapwa nag o-operate sa Agusan del Norte at Agusan del Sur.

Ang mga ito ay sumuko nito lamang nakalipas na buwan sa 65th Infantry Battalion sa Mahaba, Cabadbaran City, Agusan del Norte kasama ang (1) cal. 45 pistol at ammunitions.


Maliban sa mag-asawa, nagbalik loob din ang nagdadalang taong CTG member na si Charmaine Ravelo Coquilla dahil nais umano nitong mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang anak matapos mapatay sa engkwentro ang kanyang asawa na isang CTG leader na kinilalang si Dexter Umba.

Samantala sumuko rin ang 2 pang miyembro ng teroristang grupo sa special forces battalion kung saan na-recover sa mga ito ang mga baril at grenade launcher.

Facebook Comments