Inaasahan ng Employer’s Confederation of the Philippines o ECOP na papataas ang employment o bilang ng mga may trabaho sa bansa.
Sinabi ni ECOP at PhilExport President Sergio Ortiz-Luis Jr., na ang papataas na employment rate sa Pilipinas ay kasabay na rin ng magagandang proyekto ng Marcos administration kabilang dito ang infrastructure projects.
Pero, inihayag ni Luis na sanay umangat din ang mga nasa sektor ng agrikultura lalo’t mayorya ng mga manggagawa ay nasa informal sector habang nasa nasa 16% lamang ang nasa formal sector.
Facebook Comments