ECOP, umaasang matututukan ng Marcos administration ang mga programa at industriya sa pagpapayabong ng ekonomiya ng bansa

Hangad ng business sector na matututukan ng Marcos administration ang ilang mga programa at industriya na magpapayabong pa sa ekonomiya ng bansa.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Employers Confederation of the Philippines (ECOP) President Sergio Ortiz-Luis na kabilang sa mga ito ang industriya ng pagmimina.

Kailangan aniyang masiguro ang responsableng pagmimina at maayos ang mga regulasyon para dito, lalo’t magbubukas ito ng trabaho sa mga Pilipino.


Binanggit din nito ang pagtutok sa mga kakailanganing equipment para sa pagpapatuloy ng mga proyektong pang imprastraktura ng bansa.

Inaasahan din aniya nilang matututukan ang problema sa sektor ng agrikultura.

Habang, dapat aniya ay ganap at patuloy na bukas ang mga restaurants, hotels, tourist spots at iba pang non-essential sector.

Facebook Comments