EcoWaste Coalition, humirit na lagyan ng regulasyon ang bentahan ng mga mahihinang klase ng protective face mask

Humirit ang EcoWaste Coalition na lagyan ng regulasyon ang bentahan ng mga disposable face masks na hindi naman nakakapagbigay ng proteksyon laban sa COVID-19.

Nagpadala na ng sulat sa Food and Drug Administration (FDA) – Center for Device Regulation, Radiation Health and Research ang environmental group at inalerto ang government regulators tungkol sa laganap na bentahan ng face masks na hindi kasama sa listahan ng Notified Face Masks ng FDA.

Ayon kay Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner ng EcoWaste Coalition, karamihan sa mga nagbebenta nito ay sa Divisoria sa Maynila sa halagang P100 hanggang P200 kada box.


Sa 12 brands ng protective face masks na binili ng grupo ni-isa man dito ay hindi kasama sa listahan ng Notified Face Masks ng FDA, ni-walang inilagay na kumpletong labeling information at anim dito ang walang detalye ng manufacturer.

Pinuna rin ng grupo ang maling paggamit ng US FDA logo na sinasabing aprubado ang produkto.

Facebook Comments