AFP Eastern Mindanao Command, pinaigting ang security operations upang mapigilan ang spillover ng pambobomba

37

Sa kabila na walang nakikitang direktang banta sa seguridad, naka-full alert ngayon ang Eastern Mindanao Command.

Ayon kay Lieutenant Gen. Jose Faustino Jr., Commander ng Eastern Mindanao Command, ito ay upang maiwasan ang spillover ng pambobomba na nangyari sa Jolo, Sulu.


Aniya, inutusan na niya ang kanyang line unit commanders na paigtingin ang kanilang mga operasyong pang-seguridad sa buong Eastern Mindanao.

Pinawi naman ng opisyal ang mga pangamba ng mga taga-Eastern Mindanao na madamay ang rehiyon sa nangyaring pambobomba sa Jolo, Sulu.

Pero hinihikayat nito ang publiko na maging mapagmatyag at agad iulat sa awtoridad ang mga kahina-hinalang kilos sa kanilang komunidad.

Facebook Comments