EcoWaste Coalition, nagpaalala sa publiko na huwag gumamit ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon

Nagpaalala ang isang maka-kalikasang grupo sa publiko na huwag gumamit ng paputok.

Kasunod ito ng isinagawang Iwas Paputoxic Info Drive ng EcoWaste Coalition sa Barangay Bagong Silang, Caloocan City.

Nagsimula ang programa sa Bagong Silang Elem. School bago nila nilibot ang buong barangay.


Lumahok sa programa ang Caloocan Police Station, Bureau of Fire Protection at opisyal ng barangay.

Ayon kay Aileen Lucero, National Coordinator ng EcoWaste Coalition, napili nila ang naturang barangay dahil isa ito sa pinakamalaking barangay sa Metro Manila.

Sa nakalipas na mga pagsalubong sa bagong taon ay nakapagtala ang naturang barangay ng mataas na record ng firecrackers injuries.

Umaasa ang grupo na sa pakikipagtulungan ng barangay ay mahihikayat ang mga residente na huwag magpaputok sa pagsalubong.

Marami pa naman aniyang alternatibo na hindi na mangangailangang magpaputok sa pagsalubong sa New Year.

Facebook Comments