Quezon City bus service, 3 araw na walang biyahe ngayong holiday

Hindi muna magbibigay ng libreng sakay ang Quezon City bus service sa loob ng tatlong araw mula sa Biyernes.

Ito’y dahil sa marami sa mga manggagawa ang walang pasok dahil sa regular at special holiday sa pagtatapos ng taon.

Ang QC bus service ay libreng bumabiyahe sa walong pangunahing ruta sa Quezon City bilang tugon ng lokal na pamahalaan na magbigay ng public transport sa kasagsagan ng pandemya noong 2020.


Sa January 2, 2023 na magbabalik ang operasyon ng libreng sakay.

Facebook Comments