Ecowaste Coalition, nananawagan sa mga kandidato na siguraduhin maiwasan ang pagkalat ng basura sa panahon ng kampaniya

Umaapela ang environmentalist group na EcoWaste Coalition sa mga kandidato na gawing “Basura Free” ang nalalapit na panahon ng kampanya.

Sa isinagawa nilang programa sa harap ng Commission on Elections (Comelec), hiningi nila sa mga kandidato na gumamit ng recyclable materials para sa kanilang campaign paraphernalia.

Imbes na mga plastic tarpaulin, dapat ay gumamit na lamang ng mga tela na maaaring magamit pa sa ibang bagay pagkatapos ng halalan.

Matapos ang maigsing programa, nagtungo sila loob ng Comelec at nakausap si Chairman George Erwin Garcia.

Sabi ni Garcia, kaisa ng EcoWaste Coalition ang Comelec sa panawagan sa mga kandidato na huwag gumamit ng mga plastic materials at huwag magkabit sa mga puno ng mga campaign paraphernalias kung saan siguraduhin ang palagi ang kalinisan sa lahat ng oras.

Facebook Comments