
Nagbabala ang August 21 Movement na posibleng makadagdag sa political instability sa bansa ang hindi agad pag-convene ng Senado bilang impeachment court.
Sa isang pahayag, sinabi ni ATOM President Volt Bohol na posibleng maghatid ng mensahe ang pagpapaliban ng impeachment hearing sa iba’t ibang sector na naniniwalang guilty ang bise-presidente sa mga inaakusa sa kaniya.
Dagdag ni Bohol, ang January 31 rallies ay naging malaki ang papel upang umaksyon ang Kamara na i-impeach si Vice President Sara Duterte.
Dapat umanong irespeto ng Senado ang proseso at marapat na fast-tracked na ito.
Ayon pa sa grupo, dapat nang hilingin ng Senado kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magpatawag ng special senate session at pasimulan nang dinggin ang impeachment case.