Pamimintas ni Sen. Dela Rosa kay Rep. Cendaña, pinalagan ng ACT Teachers Party-list

tHindi pinalampas ng ACT Teachers Party-list ang pagpintas ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa pisikal na katangian ni Akbayan Representative Percival Cendaña na isang stroke survivor.

Giit ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, walang lugar ang ganitong pambabastos sa political discourse na dapat ay naka-focus sa iba’t ibang usapin.

Ayon kay Castro, hindi lang para kay Cendaña ang paghingi ng paumanhin ni Dela Rosa kundi para sa lahat ng taong may health conditions na nasaktan sa hindi magandang pahayag nito.


Dismayado si Castro na sa halip pagtuunan ang mga alegasyon na nakapaloob sa impeachment case laban kay VP Sara Duterte ay mas pinili ni Dela Rosa na pintasan at personal na atakehin ang ibang tao.

Facebook Comments