Iginiit ni Health Secretary Francisco Duque III na kailangan pa ring panatilihin ang Enhanced Community Quarantine sa Cebu City.
Sa public briefing, sinabi ni Duque na kailangang panatilihin ang mataas na quarantine level sa lungsod dahil itinuturing ito na nasa klasipikasyon ng pagiging “high risk.”
Nakapagtala ng 90.6% na high isolation unit utilization rate at 84.6% ang utilization rate sa Intensive Care Units (ICU).
Mabilis aniya ang pagdoble ng kaso ng COVID-19 sa Cebu City sa maiksi lamang na panahon.
Binigyang diin ni Duque na palalakasin ang containment strategy para mapigilang madagdagan ang mga nagpopositibo sa virus.
Kaugnay nito, muling pinuna ni Pangulong Duterte ang pagbabalewala ng mga residente sa Cebu na naging dahilan ng paglobo ng kaso ng COVID-19.