Edad ng AFP at PNP retirees, nais palawigin sa 60 taong gulang

Manila, hilippines – Paaabutin na sa 60 taong gulang ang retirement age ng mga pulis at sundalo.

Kaugnay nito ay hiniling ni House Minority Leader Danilo Suarez na sertipikahan bilang urgent ang panukala para pahabain ang edad ng mga magreretirong uniformed personnel mula 56 taong gulang ay gagawing 60 taong gulang.

Giit ni Suarez, mahirap ng makakuha ng trabaho ang mga nagretiro dahil may nakasanayan itong buhay noong nasa serbisyo.


Bukod dito, nasa rurok pa ng mga career ang mga nasa ganitong edad kaya mabuti na lamang at kinukuha sa gabinete ang mga nagretirong mga opisyal ng AFP at PNP.

Makakatulong din kung palalawigin ang retirement age sa 60 years old dahil mababawasan ang ibibigay na pensyon sa mga retirees.

Aniya, ang kasalukuyang retirement age na 56 ay nagpapalaki at nagpapatagal lamang sa ibinibigay na pensyon sa mga retirado.

Facebook Comments