Relasyon ni Pangulong Duterte sa kanyang militanteng gabinete, maayos naman ayon sa palasyo

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacanang na walang namumuong hidwaan o away sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang mga makakaliwa o left leaning cabinet secretaries.

Matatandaan na mula sa kaliwa o mga militante ang ilang gabinete ng Pangulo tulad nila Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo, Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano at Anti-Poverty Commission Secretary Liza Maza.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, buo parin naman ang tiwala ni Pangulong Duterte sa kanyang mga Gabinete ay magkakahiwalay naman aniya ang issue ng Peace Talks at sa trabaho ng mga Gabinete.


Sinabi din naman ni Abella na wala namang sinasabi ni Pangulong Duterte laban sa tatalong militanteng Gabinete kahit pa sumama ang mga ito sa rally noong nakaraang Lunes at patuloy namang aniya ang mga ito sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin.

Facebook Comments