MANILA – Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang lagda ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.Sa kanyang talumpati sa Masskara Festival sa Bacolod City kahapon, sinabi ng pangulo na handa siyang ipahinto ang naturang kasunduan sakaling mapatunayan ito.Anya, tanging isang US Aide lamang at si dating Defense Secretary Voltaire Gazmin ang nakapirma sa naturang kasunduan.Paliwanag pa ng pangulo, kung sakaling hindi maipakita ng amerika ang pirmadong mga dokumento sa pagsasagawa ng war games sa bansa ay handa siyang ipahinto ito ng tuluyan.Ipinagmalaki rin ng pangulo, na nakahanda ang bansa sakaling itigil na ng Amerika ang pagtulong sa Pilipinas.Sa ilalim ng EDCA, pinapayagang magpadala ng mga sundalo ang Amerika at Pilipinas para mapalakas ang alyansa ng dalawang bansa.Muli namang inulit ni duterte ang kanyang hangarin na palakasin ang ugnayan sa China at Russia.
Edca, Kinwestyon Ni Pangulong Duterte, Kasunduan Wala Umanong Lagda Ni Dating Pangulong Aquino
Facebook Comments