EDSA Busway, ligtas daanan ng mga bus ayon sa MMDA

Iginiit ni General Manager Jojo Garcia ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ligtas gamitin ang EDSA Busway.

Ito ang kaniyang naging pahayag matapos magkaroon ng tatlong concrete related accident dito ngayong buwan.

Batay sa kanilang datos, mula June 1, 2020 hanggang July 28, 2020, mayroong naitalang anim na bus ang naaksidente sa EDSA Busway matapos bumanga sa mga concrete barrier na nakalagay dito.


Ayon kay Garcia, ang nasabing bilang ay 0.004% lang kumpara sa mahigit 30,000 na mga bus na kabuuang bilang na dumadaan sa ESDA Busway sa kaparehong araw.

Dahil dito, mababa ng porsyentong ito para sabihin na delikado gamitin ang dedicated na linya para sa mga bus.

Dagdag pa niya, ang 3.2 hanggang 3.5 meter na lapad ng EDSA Busway ay sakto lamang para sa less than 60km/hr na takbo ng isang bus.

Paliwanag niya, inaararo ng mga bus ang mga concrete barrier sa EDSA Busway dahil yung ibang driver ay may tine-text o gumagamit ng phone habang nagbibiyahe, kadalasan din aniya ay nakainum ang driver.

Ibig sabihin nito, self-accident ang dahilan kung bakit may aksidente sa EDSA Busway at hindi dahil sa mga concrete barrier nito.

Facebook Comments