Education Sec. Leonor Briones, hinamon na mag-demo ng distance learning

Pinagdedemo ngayon ng ilang kongresista si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones ng distance learning sa mga malalayo at mahihirap na lugar.

Ito ay para personal na malaman ng kalihim kung talagang handa ang education sector sa pagbubukas ng klase sa Agosto 24, 2020.

Giit ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Representative France Castro, malaking sakripisyo ang ipinipilit ng DepEd na blended learning gayong kulang ang mga pasilidad, materyales, mga personnel at suporta para maka-access ng dekalidad na edukasyon ang mga estudyante.


Hindi aniya kakayanin ng mga mag-aaral na turuan ang kanilang sarili sa pagbabasa ng learning materials sa bahay at hindi rin kaya ng lahat ng mga magulang na magabayan ang kanilang mga anak.

Sinabi pa ni Castro na ang mababang enrollment rate ngayong school year ay senyales na maraming mag-aaral ang mahihirapan kapag ipilit ang blended learning mode lalo na para sa mga pinakamahihirap na pamilya.

Facebook Comments