Maynila, may sarili nang COVID testing laboratory

Maaari na ngayong makapag-operate ang Manila ng sarili nilang testing laboratory para sa COVID-19 patients.

Ito ay matapos na ipagkaloob ni Dr. Grace Padilla, Director ng Sta. Ana Hospital ang LTO o License to Operate mula sa Department of Health (DOH).

Kasunod ito ng kanilang pagkakakumpleto sa requirements ng DOH.


Sa naturang ospital matatagpuan ang Manila Infectious Disease Control Center (MIDCC) na siyang may hawak sa COVID patients.

Sa ngayon, mayroong 50 COVID patients sa nasabing ospital.

Facebook Comments