EDUCATIONAL ASSISTANCE, IPINAMAHAGI SA BRGY. SAN PABLO, ALICIA, ISABELA

Cauayan City – Namahagi ng Educational Assistance Sangguniang Kabataan ng Brgy. San Pablo, Alicia, Isabela para sa mga college students sa kanilang barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa SK Chairman ng Brgy. San Pablo na si Jerome Nonan, ang Educational Assistance Program na ito ay inorganisa ng SK San Pablo sa ilalim ng kanilang SKwela Fund Program.

57 college students ang nakatanggap ng Educational Assistance na nakakahalaga ng P1000 bawat isa.


Layunin ng programang ito na kahit papaano ay matulungan ang mga college student sa kanilang barangay sa kanilang mga gastusin sa pag-aaral.

Facebook Comments