Educational assistance, sinimulan nang ipamahagi ng DSWD

Manila, Philippines – Inihayag ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na aabot sa 1,500 pesos para sa mga estudyante ng senior high school at isang libong piso naman sa elementary students ang matatanggap na educational assistance ng mga mahihirap na mag-aaral.

Sinimulan na kanina ng Department of Social Welfare and Development ang pag-iisyu ng voucher sa mga magulang ng mga mahihirap na estudyante.

Ang programang ito ay isa sa mga ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang unang State of the Nation Address noong nakaraang taon.


Ayon kay sa DSWD Secretary Judy Taguiwalo, 800 ang unang batch na makakatanggap ngayon araw ng educational assistance.

Paliwanag ng kalihim sa Huwebes ang ikalawang batch ng mga beneficiaries kung saan cash na makukuha ng mga ito ang nasabing halaga.

Facebook Comments