Edukasyon susi sa Kapayapaan at Kaunlaran!- Mayor Manalao

Ibinahagi ni Buldon Mayor Abolais Aratuc Manalao ang kanyang mga inisyatiba at mga programa sa pagsuporta sa pagpapalakas ng Edukasyon sa kanilang bayan kasabay ng kanyang pagharap bilang Speaker sa mga partisipante mula sa ibat ibang probinsya ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa isinagawang ADM Learning Summit sa Cotabato City.

Kabilang sa inilatag ni Mayor Manalao sa SUMMIT ay ang pagtugon nito sa mga pangunahing problema ng mga mag-aaral, mga guro maging ng mga magulang. Sinasabing isa sa dahilan ng hindi pagpasok dati ng mga istudyante sa eskwelahan ay dahil sa takot na madamay sa away pamilya ng kanilang mga kaanak.

Kaugnay nito isa sa naging flagship program ni Mayor Manalao ang RIDO Settlement resulta ng malayang nakakapasok na sa mga paaralan ang mga istudyante maging ang mga guro.Dati ay nasa 50 out of 100 % lamang ang pumasok ngayon ay halos nasa 90 porsyento dagdag pa ni Manalao.


Agad ring tinugunan ni Mayor Manalao ang mga pangangailangan ng kakulangan sa eswkelahan kabilang ang pagpapagawa ng bangko, blackboards, maging ng mga stage at bakod ng paaralan bukod pa sa pagbibigay ng financial assistance ng LGU . Nagsagawa rin ng monitoring ang LGU sa pagpasok ng mga guro.

Binibigyan rin ng pagkilala ng LGU ang mga istudyanteng nakakapagtapos ng College. Masaya ring inihayag ni Mayor Manalao na ilan sa mga kababayan nito ay naging achiever noong nakaraang school year. Kabilang na ang Summa Cum Laude sa Ateneo de Davao at USM Kabacan.

Naging matagumpay ang mga inisyatiba nito sa tulong na rin ng School Board na giit pa ni Mayor Manalao.

Naniniwala rin ang Alkalde na ang Edukasyon ay isa sa susi sa tunay ng Kapayapaan at Kaunlaran ng isang pamayanan.

Nagpapasalamat naman si Mayor Manalao sa naging imbetasyon ng Pathways ( Education Pathways to Peace in Mindanao) at MBHTE BARMM at napili ito mula sa dinadami- dami ng mga magagaling na Local Chief Executuves sa Rehiyon at maibahagi ang kanyang panggobyerno sa Buldon.

Ang Buldon ay awardee ng Seal of Good Local Governance sa tatlong magkakasunod na taon mula 2017, 2018 at 2019. Finalist rin ito sa 2019 Seal of Good Education Governance.

Sa ilalim ng liderato ni Mayor Manalao.

Facebook Comments