EID’L ADHA | PRRD, nanawagan sa mga Muslim na panatilihin ang matibay na pananampalataya

Manila, Philippines – Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Muslim na manatiling matatag at patibayin ang pananampalataya sa harap ng mga hamon bilang isang bansa.

Ito ang mensahe ng Pangulo kasabay ng paggunita ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ngayong araw na isang idineklarang regular holiday.

Ayon kay Pangulong Duterte, ang Muslim holiday na ito ay pag-alala sa kahandaan ni Ibrahim na isakripisyo ang kanyang anak na si Ishmael para sundin ang Diyos.


Ang katapatan na ipinakita ni Ibrahim ay nagturo sa atin ng daan tungo sa matibay na spiritual foundation.

Ipinagdiriwang din ang kahalagahan ng pagtitiwala sa pagpupursige ng makabuluhang pagbabago.

Umaasa ang Pangulo na sa pagdiriwang ito ay pagbibigkisin muli ang mga Pilipino sa layuning makapagbuo ng iba’t-ibang komunidad na may respeto at kapayapaan.

Hinikayat din ng Punong Ehekutibo ang mga Muslim pangalagaan ang pagkakaisa lalo na sa iba’t-ibang paniniwala.

Facebook Comments