Wala pang katiyakan kung magbabalik sa ring ngayong taon si Eight Division World Champion Manny Pacquiao.
Ayon kay MP Promotions President Sean Gibbons, hindi nito sigurado kung magkakaroon ng laban ang pambansang kamao ngayon taon.
Bukod kasi sa COVID-19 pandemic, isa rin aniya sa nagiging hadlang sa pagbabalik sa ring ni Pacman ay ang kaniyang schedule bilang senador.
Huling lumaban si Pacquiao noong July 20, 2019 kung saan tinalo nito si Keith Thurman para maiuwi ang WBA Welterweight title.
Dahil sa Panalo, si Pacquiao, sa edad na 40, ang naging pinakamatandang boksingero na nagwagi ng Welterweight championship.
Facebook Comments