Eight thousand rounds na bala ng high powered na mga armas, nakumpiska ng kapulisan sa Cagayan de Oro City

81

Cagayan De Oro City- Walong karton ng eight thousand rounds na bala ng high powered na mga armas ang nakumpiska ng kapulisan sa Cagayan de Oro.

Ito ang kinumpirma ni City Intelligence Unit Head Police Chief Insp. Ariel Philip Pontillas.

Umabot sa six thousand rounds ng M16 at two thousand rounds ng Caliber 30 ang nakuha ng kapulisan sa isang cargo forwarder sa Barangay Camaman-an noon pang Hunyo 23.


Ayon kay Pontillas na hindi ideneklara kung sino ang kukuha nito at electric wires ang idineklarang nasa walong karton.

Napag-alaman na noong Abril pa dumating ang naturang mga bala at dadalhin sana ang mga ito sa Marawi City.

Facebook Comments