EJK | Pahayag ng Pangulo patungkol sa Extra Judicial Killings, hindi dapat isaliteral – ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Inihayag ng palasyo ng Malacañang na hindi dapat tanggapin ng literal ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa extra judicial killings.

Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque matapos hayagang sabihin ni Pangulong Duterte na ang tangi lang naman niyang kasalanan ay ang EJK.

Sinabi ni Roque na hindi dapat gawing loteral ang konteksto ng EJK statement ng pangulo dahil ang gustong bigyanh diin ng Pangulo at hindi kailanman siya nagnakaw sa kaban ng bayan.


Binigyang diin din ni Roque na hindi maituturing na pag-amin o matibay na ebidensiya ang pahayag ng Pangulo dahil hindi naman ito sinumpaang salaysay ng Pangulo.

Matatandaan na binatikos ito ng mga kritiko ng administrasyon kung saan sinabi ng mga ito na ang pahayag ng Pangulo ay isang pag-amin sa mga krimen na nangyari sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Facebook Comments