EJKs at human rights, napag-usapan ni Pangulong Duterte at Canadian Prime Minister Trudeau

Manila, Philippines – Naging positibo si Pangulong Duterte sa mga nagpagusapan nila ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau tungkol sa isyu ng extra judicial killings at human rights sa bansa.

Batid naman ni Trudeau na ito ang mga isyung ibinabato sa Pangulong Duterte.

Sa press briefing sa International Media Center, sinabi ni Trudeau na nagkaroon siya ng pagkakataon na banggitin ito kay Pangulong Duterte bago magsimula ang ASEAN – Canada 40th Commemorative Summit kanina.


Sinabi nito na malaki ang concern ng Canada sa umano’y extrajudicial killings sa Pilipinas dahil kilala ang Canada sa pagiging matatag sa mga diskusyon hinggil sa rule of law at human rights.

Naging bukas naman ang Pangulo at tinanggap naman nito ang kanyang mga naging suhestyon at matiwasay namang natapos ang kanilang usapan.

Facebook Comments