Bumawi ang ekonomiya ng Ilocos Region na may pagtaas ng 4.6 percent noong 2021, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mula sa 7.7 percent na pagbaba nito noong 2020.
Sinabi ni PSA Ilocos Regional Director Lawyer Sheila de Guzman na labing apat (14) na industriya sa rehiyon ang nakitaan ng pagtaas habang ang industriya ng agriculture, forestry, and fishing industry gayundin ang transportation at storage, ay bumaba ng 4.9 porsyento at 1.8 porsyento.
Sinabi niya na 51.7 porsyento ng ekonomiya sa rehiyon ay naiambag ng services sector, 30.7 percent sa industry, at 17.6 percent in agriculture, forestry, at fishing
Sa kabuuang porsyento ng paglago ng ekonomiya, 2.9 porsyento ay mula sa industriya, at 2.7 porsyento mula sa mga services, habang ang agrikultura ay bumaba ng isang porsyento.
Sa kabuuang porsyento ng paglago ng ekonomiya, 2.9 porsyento ay mula sa industriya, at 2.7 porsyento mula sa mga services, habang ang agrikultura ay bumaba ng isang porsyento.
Idinagdag niya na ang pinakamalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya sa 2021 ay ang mga construction at expenditure items o ang mga gastusin sa household consumption expenses.
Sinabi ni Ubungen na ang paglago sa rehiyon ngayong taon ay nangangako sa patuloy na pag-unlad ng konstruksyon at aktibidad sa ekonomiya ngayong nasa ilalim ng Covid-19 Alert Level 1 ang Ilocos Region. | ifmnews
Facebook Comments