Ekonomiya ng Pilipinas, mas tatatag pa ng ikatlong kwarter ng taon

Tiniyak ng Department of Finance (DOF) na mas bubuti ang takbo ng ekonomiya ng bansa sa 3rd Quarter ng taon.

Ayon kay Finance Sec. Carlos Dominguez, isinasagawa ang ‘Catch Up’ Plan o mabilis na paggastos ng gobyerno.

Nakakatulong kasi ang government spending sa mataas na produksyon ng mga kumpanya at mataas na demand sa manggagawa.


Malaki aniya ang ambag ng Tax Reform Program at maging ng Train Law sa ilalim ng Administrasyong Duterte upang mapondohan ang Build Build Build Program.

Umaasa ang Finance Department na magpapatuloy ang pag-angat ng ekonomiya sa kabila ng Global Economic Slowdown.

Facebook Comments