House Speaker Cayetano, naniniwalang hindi pa tapos ang debate para sa panukalang 2020 National Budget  

Naniniwala si House Speaker Alan Peter Cayetano na hindi pa tapos ang debate para sa 2020 proposed National Budget.

Ito ay sa gitna ng komento ni Sen. Panfilo Lacson na Pork Barrel Free sa ngayon ang pambansang pondo na ipinasa sa kanila ng mababang kapulungan.

Ayon kay Cayetano, sinagot lamang nila ang unang sinabi na ito ay walang katiwalian.


Sinabi naman ni House Deputy Speaker L-Ray Villafuerte, marami pa ring kwestyunableng probisyon na aabot sa 20 Billion Pesos na nakalaan sa ibang departamento ng pamahalaan.

Aniya, sisilipin nila ang mga probisyong ito.

Kumpiyansa ang liderato ng Kamara na maisasalang sa Bicameral Conference Committee ang budget sa pagtatapos ng Nobyembre at maipapasa ito pagdating ng Disyembre.

Para sa Malacañan, dapat tukuyin ni Sen. Lacson kung item sa budget ang Pork Barrel at ito ay tatanggalin ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments