Nakatuon na sa post pandemic ang direksiyong tinatahak ng pamahalaan na may kaugnayan sa ekonomiya ng bansa.
Sa courtesy call ng League of the Philippines sa Chief Executive sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na lahat ng paraan ay gagawin ng gobyerno para maging post pandemic na ang estado ng ekonomiya ng bansa.
Sinabi ng pangulo na mula sa ibaba ay sinisikapin ng gobyerno na makaangat at mabago ang bansa lalo’t malaki ang naging epekto ng COVID-19 pandemic sa ekonomiya.
Kaugnay nito’y inihayag ni Pangulong Marcos na malaki ang magagawa ng mga Local Government Unit o LGU para maabot ang tina-target na post pandemic economy.
Facebook Comments