Pagbibigay ng 2nd booster ng COVID-19 vaccine, isasagawa ng Kamara ngayong araw

42

Ngayong araw ay magkakaroon ng COVID-19 2nd booster rollout ang Kamara na isasagawa sa pamamagitan ng “drive-thru” na sistema sa North Steel Parking Building sa loob ng Batasan Compound, mula 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Sa abiso ng CongVax, nasa 350 na doses ng bakuna ang available ngayong araw kaya first come, first serve basis ang paiiralin.

Maaring magpaturok ng 2nd booster shot ang mga kongresista, congressional staff, mga kawani ng Kamara at kani-kanilang dependents na pasok sa kwalipikasyon para sa booster vaccination.


Kabilang dito ang mga 50-anyos pataas, at mga 18 hanggang 49-anyos na may comorbidities.

Ang CongVax program ay inilunsad sa nakalipas na 18th Congress na layuning maproteksyunan ang mga mambabatas at mga kawani laban sa COVID-19.

Facebook Comments