Barangayan Job Fair, muling ikakasa ng Manila PESO

27

Muling magkakasa ang Manila City Public Employment Service Office (PESO) ng “PESO on the Road: Barangayan Job Fair” sa Bldg. 18 Covered Court, Paradise Heights sa Balut, Tondo.

Kabilang sa mga inaaalok na trabaho ay:

– room attendant o housekeeping
– karpintero
– electrician at technician
– admin staff
– cook o chef
– bellman
– lifeguard
– supervisor o manager at marami pang iba


Para sa kumpletong listahan, maaaring bisitahin ang opisyal na Facebook page ng PESO-Manila City.

Upang makapag-apply, maaaring magparehistro muna sa Google form na binigay ng PESO kung saan i-screenshot ang confirmation upang maipakita sa Barangayan Job Fair.

Paalala naman sa mga aplikante, magdala ng sariling payong, pamaypay at tubig gayundin ang sariling black ballpen at sampung (10) kopya o higit pang resume.



Bukod dito, mayroon pa ring job fair para sa mga local recruitment activity na isinasagawa sa PESO Annex sa Park N’ Ride Building sa Lawton.

Sa mga susunod na araw naman ay tutungo ang Manila PESO sa District 2 upang magkasa rin ng Barangayan Job Fair.


Facebook Comments