Ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon, mas lalago pa ayon sa ADB

Mas lalago pa ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon.

Ito ang inihayag ng Asian Development Bank (ADB) kung saan batay sa inilabas nito na Asian Development Outlook (ADO) 2022 Supplement, itinaas ng ADB ang growth forecast ng bansa sa 6.5% mula sa naunang pagtaya na 6.0% noong Abril.

Ayon sa ADB, bunsod ito ng muling pagbabalik sigla ng investment at household consumption sa bansa.


Tinukoy ng ADB ang pagluluwag sa COVID-19 mobility restrictions at pagpapalawak ng COVID vaccination program na nakatulong para tuluyang makabawi ang ekonomiya.

Hindi naman binago ng ADB ang growth projection nito sa taong 2023 kung saan nananatili pa rin sa 6.3%.

Facebook Comments