DA-RCPC REGION 2, INALERTO ANG MAGSASAKA UKOL SA PESTENG “ATANGYA”

26
Cauayan City, Isabela-Itinaas ng Department of Agriculture Regional Field Office (DA RFO 2) sa pamamagitan ng Regional Crop Protection Center (RCPC) ang alarma hinggil sa pesteng Rice Black Bug (RBB) o “Atangya” kasunod ng pagtaas ng ilang ulat ng pesteng RBB na nakaapekto sa mga lugar ng rice production partikular ang pagkakaroon ng mga pesteng “Atangya” sa Libag, Tuguegarao City.

Ayon kay Regional Crop Protection Center (RCPC) Chief Mindaflor Aquino na magsasagawa sila ng pagbisita sa mga palayan na hinihinalang mayroon ding Rice Black Bug.

Kasunod nito, mas pinaigting nila ang field visitation sa iba pang mga pinaghihinalaang lugar na may pesteng RBB.

Nakitaan naman ng kinakailangang mabilis na pagkontrol sa pagdami ng bilang ng mga pesteng Atangya kasabay ng malawakang pagpapakalat ng impormasyon kung paano mapapamahalaan at makokontrol ang peste sa nakalipas na buwan.

Ayon pa kay Aquino, hindi nagkulang ang ahensya sa pagpapaalala sa mga magsasaka tungkol sa RBB bilang information campaign sa pamamagitan ng technical briefing at pamamahagi ng Information, Education & Communication (IEC) materials sa RBB sa rehiyon.

Facebook Comments