Ekonomiya ng Pilipinas, posibleng makabangon na sa 2022

Posibleng makabangon na ang ekonomiya ng bansa sa darating na 2022.

Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Karl Kendrick Chua, ito ay kung hindi na magkakaroon ng surge sa COVID-19 cases.

Kasabay ng pagluluwag quarantine restrictions at Alert Levels, sinabi ni Chua na posibleng tumaas na rin ang spending o paggastos ng mga Pilipino.


Sinuportahan naman ito ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan isa ang household sa mga dahilan ng muling paglago ng ekonomiya sa ikatlong quarter ng taon.

Batay sa datos ng PSA, lumago ng 7.1% ang ekonomiya sa ikatlong quarter mas mabagal kumpara sa naitalang 12% paglago noong ikalawang quarter.

Facebook Comments