Ilang noche buena products, nagtaas na ng presyo ngayong nalalapit na Pasko

Nagtaas na ang presyo ng ilang produkto para sa noche buena ngayong nalalapit na Pasko.

Mahigit isang buwan ito bago ipagdiriwang ang Pasko sa Pilipinas.

Nasa 0.50 centavos hanggang P5 ang dagdag presyo sa pasta, tomato sauce, spaghetti sauce, cream, ham, fruit cocktail, keso de bola, mayonnaise at tomato paste.


Sa kabila nito, ipinaliwanag naman ng Department of Trade and Industry (DTI) na may ilang brands na hindi nagbago ang presyo o nagmura pa kaya may mapagpipilian ang mga mamimili.

Maliban na noche buena products, nagmahal din ang ham sa ilang pamilihan dahil sa mataas na presyo ng baboy.

Facebook Comments