Balik-normal na ang alerto ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng pagtatapos kahapon ng election period.
Ayon kay PNP Spokesman Police Col. Bernard Banac, naging mapayapa sa pangkalahatan ang buong panahon ng eleksyon.
Pero may mga piling rehiyon pa rin ang nananatili sa full alert status dahil sa banta ng Abu sAyyaf, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at Communist Terrorist.
Kabilang dito ang Police Regional Office 9, 10, 11, 12, 13 at Bangsamoro Region.
Umabot naman sa 6,362 indibidwal ang naaresto ng PNP dahil sa paglabag sa election gun ban.
Nakumpiska sa kanila ang 5,304 na mga baril bukod pa ang nasa 50,386 na mga deadly weapons.
Facebook Comments