Pagbuhos ng emosyon ng Warriors sa game 6 ng NBA Finals, inaasahan na

218

Inaasahang magiging emosyonal ang game 6 ng NBA Finals bukas.

Bukod sa iniaalay ng Golden State Warriors para sa injured nilang teammate na si Kevin Durant ang laro ito rin ang huling pagkakataon na maglalaro sila sa Oracle Arena.


Sa susunod na Season kasi, lilipat na ang Warriors sa kanilang bahay sa Chase Center sa San Francisco.

Ayon kay Warriors Guard Stephen Curry, gagawin nila itong inspirasyon, bukod pa kay KD at sa kanilang home crowd para mapanatiling buhay ang laban.

Tiwala naman si Durant na maipapanalo ng Warriors ang game 6.

Kasalukuyang nagpapagaling si Durant matapos na sumailalim sa operasyon dahil sa tinamo nitong Achilles Injury.

Facebook Comments

From Advertisers