Pinayuhan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga botante na piliin ng husto ang kanilang ibobotong partylist sa halalan sa susunod na taon.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, isang partylist lang ang iboboto ng bawat botante kaya dapat tiyakin na ito ay tunay na kumakatawan sa mga interes ng taong-bayan at hindi nakikisakay lang sa uso.
Ang paalala ng Comelec ay sa harap nang pagsulputan ng maraming party-list organizations na naghain ng kanilang Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) sa komisyon.
Kabuuang 185 party-list groups ang naghain ng CONA sa Comelec para sa 2019 elections.
Facebook Comments