Manila, Philippines – Hiniling ni Supreme Court Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa na muling maisailalim sa raffle ang electoral protest na isinampa ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Nabatid na lumiham si Caguioa sa Supreme Court en banc para ihayag ang kanyang kahilingan na wag maging ponente para maiwasan ang anumang espekulasyon sa anumang pasya kaugnay ng electoral protest.
Nabanggit din ni Justice Caguioa sa en banc na nais pa rin naman nyang maging bahagi ng pagpapasya sa electoral protest pero bilang miembro na lang ng SC en banc.
Ang liham ni Caguioa sa SC en Banc ay isinumite bago pa man makapaghain ng extreme urgent motion ang kampo ni Marcos na humihiling na mag-inhibit siya sa kaso dahil sa pagiging malapit ng kanyang maybahay kay Robredo, bukod sa at appointee siya ni dating pangulong Noynoy Aquino.
Gayunman, ang naturang kahilingan ni Caguioa ay hindi pinagbigyan ng kanyang mga kapwa-mahistrado