Ibinasura ng Commission on Elections ang protestang inihain ni dating Mayor Alfredo Lim laban kay Manila Mayor Joseph Estrada.
Sa resolusyon ng COMELEC 1st division – hindi pinaboran ng polly body ang petisyon ni Lim na humihiling na mapawalang-bisa ang pagkakapanalo ni Estrada sa Maynila noong May 2016 elections.
Hindi pinanigan ng COMELEC ang alegasyon ni Lim na iligal ang ginawang pag-canvass ng boto ng City Board of Canvassers (CBOC) bunsod ng mano-mano umanong pag-upload ng resulta.
Ayon sa COMELEC – ang petition for disqualification ni Lim laban kay Estrada ay hindi naihain sa tamang panahon batay sa isinasaad ng section 68 ng omnibus election code o dapat inihain walong oras matapos maiproklama na ang nanalong alkalde.
Bigo din umano si Lim na maglabas ng ebidensya na magpapatunay na iligal ang ginawang pagbilang ng CBOC.
Sa resulta ng eleksyon sa Maynila, nakakuha ng 283,149 na boto si Estrada kontra sa 280,464 na boto ni Lim.